Pilipinas, nakikipagkarera laban sa mga bagong COVID variants – Roque

Hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon para mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variants.

Ang mga bagong variants na nakapasok sa bansa ay ang mga Coronavirus strains na unang na-detect sa United Kingdom, South Africa, Brazil at India.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat tumanggap ang mga tao ng bakuna ano pa man ang brand nito para mapalakas ang kanilang proteksyon mula sa virus.


Aniya, nakikipagkarera ang bansa laban sa mga bagong variants.

Ang mga variants ay isa sa mga dahilan kung bakit sumisipa sa nakakaalarmang bilang ang mga kaso.

Bukod dito, hinihikayat ni Roque ang publiko na sundin ang health protocols.

Facebook Comments