Pilipinas, nakikipagnegosasyon para sa sobrang COVID-19 vaccines

Nakikipagnegosasyon ang Pilipinas sa iba pang bansa para makakuha ng sobrang supply ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., walang hinto ang kanilang negosasyon para matiyak na may sapat na supply ng bakuna ang Pilipinas sa Mayo at Hunyo.

Nakikipag-usap din si Galvez kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez para bumuo ng plano para sa supply ng AstraZeneca vaccines mula sa Estados Unidos.


Si Health Secretary Francisco Duque III ay nakikipag-ugnayan din sa iba pang bansa partikular sa Israel.

Sinabi ni Galvez na sinisikap nilang maresolba ang supply ng bakuna ng bansa.

Ngayon araw, darating sa bansa ang 500,000 doses ng Sinovac vaccines habang ang 2.3 million Pfizer vaccines mula sa COVAX Facility ay darating bago matapos ang Hunyo.

Ang pagdating ng 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines ay naurong sa May 1 dahil sa logistic issues.

Ang Moderna ay magpapadala ng 194,000 doses, habang ang Sinovac ay magbibigay pa ng karagdagang 4.5 million. Nasa 2 million doses naman ang paparating mula sa Gamaleya at 1.3 million doses ng AstraZeneca sa tulong ng pribadong sektor.

Facebook Comments