Pilipinas, nalugi ng halos P70 bilyon dahil sa illegal fishing

Photo Courtesy: FoodNavigator-Asia

Aabot sa ₱68.5 billion pesos ang nawawala sa Pilipinas dahil sa illegal, unreported at unregulated na pangingisda.

Ito ay base sa US Agency for International Development o USAID.

Sinabi rin ng United Nations na bumabagsak ang fish production ng Pilipinas dahil sa kometisyon nito sa China at Vietnam.


Tinatayang 60% ng mga Pilipinong nakatira sa coastal zones at nakadepende sa coastal resources para sa kanilang kabuhayan.

Nasa dalawang milyong tao na nakadepende sa fisheries ang makikinabang sa ₱1.3 billion fish right project ng Pilipinas at US.

Ang US government, katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay inilunsad nitong 2018 ang fish right project na nakatutok sa pagtugon sa mga banta sa biodiversity, pagpapabuti ng marine ecosystem governance at pagpaparami ng mga isda sa Calamianes Island Group, Visayan Seas at Katimugang Negros.

Tiniyak ni Agriculture Undersecretary/BFAR Director Eduardo Gongona na committed ang Pilipinas sa pagtataguyod ng marine protection at sustainable fisheries.

Mula 1990s, ang USAID ay sumusuporta na sa marine at biodiversity conservation efforts ng Pilipinas.

Facebook Comments