Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nananatiling nasa low risk category ang buong Pilipinas sa COVID-19.
Ayon kay DOH alternate Spokesperson Undersecretary Beverly Ho, ang National Capital Region (NCR) naman ay nasa moderate risk pa rin bagama’t nananatiling mababa ang admissions o mga nao-ospital dahil sa naturang sakit.
Bumababa na rin ang bilang ng mga bagong kaso ng iba pang subvariants ng Omicron tulad ng BA.4 at BA.2.12.1.
Dagdag pa ni Ho, lahat naman ng rehiyon sa bansa ay nasa low risk classification pa rin ng COVID-19, pero mayroong pitong rehiyon na nakapagtala ng mataas na average daily attack rate o ADAR.
Kahapon, nakapagtala ang bansa ng 2,727 na bagong kaso ng COVID-19, habang nasa 27,754 na ang bilang ng aktibong kaso.
Facebook Comments