Pilipinas, nananatiling pinakahuli sa global COVID-19 Resilience Ranking ng Bloomberg

Nananatiling kulelat ang Pilipinas pagdating sa Global COVID-19 Resilience Ranking sa ikatlong magkasunod na buwan.

Ito ay batay sa pinakabagong Bloomberg report kung saan binigyan nila ng 43.1 na resilience score ang Pilipinas at pang-huli mula sa world’s biggest 53 economies.

Sinabi ng Bloomberg na hindi pa rin sapat ang patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at pagtaas naman ng bilang ng nababakunahan.


Ipinunto ng bloomberg na malaking key barrier sa pagpapataas ng grado pagdating sa COVID-19 response ng isang bansa ang mataas na bilang ng natuturukan ng bakuna sa kada 100 katao.

Samantala, nanguna naman at itinuturing na “best place to live during pandemic” ang United Arab Emirates na may highest resilience score na 73.2.

Facebook Comments