
Umangat nang 20 puntos ang reading improvement ng Pilipinas batay sa pinakabagong resulta ng 2025 Programme for International Student Assessment.
Ayon sa Department of Education (DepEd), tumaas sa 31% mula sa dating 24% ang mga mag-aaral na umabot sa Level 2 competency, na nagpapakitang mas dumami na ang mga estudyanteng may foundational skills sa pagbabasa.
Ipinaliwanag ng kagawaran na bunga ito ng mga isinagawang reporma sa edukasyon na nakatutok sa pagpapalakas ng basic literacy at reading comprehension.
Dahil sa positibong resulta, umani ng buong suporta ang DepEd Reform Agenda mula sa mga mambabatas, pinuno ng mga paaralan, at education partners upang mas paigtingin pa ang mga pangmatagalang solusyon.
Tiniyak naman ng pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga sistematikong programa upang mas maipagpatuloy ang pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.










