Pilipinas, nanguna sa pinakaraming krimen na hindi napapanagot ang mga may sala

Manila, Philippines – Nanguna ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na lebel ng impunity o kawalan ng hustisya dahil sa mga organized crimes at banta ng mga terorista.

Ito ay batay sa resulta ng pag-aaral ng 2017 global impunity index ng Universidad De Las Americas sa Mexico sa anim naput siyam (69) na mga bansa.

Ayon sa report, ang Pilipinas, na nakakuha ng 76 points, ay dumaraan sa pinaka-kritikal na sandali sa ngayon dahil sa pagtaas ng mga kaso ng karahasan.


Ilan sa mga ito ay ang mga kaso ng pagpatay sa mga drug suspect at ang nagpapatuloy na kaguluhan sa mindanao partikular sa Marawi City.

Pumangalawa naman sa Pilipinas ang India na sinundan ng Cameroon, Mexico at Peru.

Facebook Comments