Manila, Philippines – Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na pinakababad sa paggamit ng internet.
Batay ito sa inilabas na digital 2019 report ng social media form na hootsuite at we are social.
Sa nasabing pag-aaral, umaabot sa sampung oras ang average time na online ang mga pinoy kumpara sa siyam na oras at dalawampu’t siyam na minuto noong 2017.
Pangunahing binababaran ng mga Pinoy ang social media sites sa average na apat na oras at labing dalawang minuto kada araw.
Pinakamadalas naman na ginagamit ng mga Pilipino para maka – access sa world wide web ay ang mobile internet data.
Noong taong 2017, thailand ang bansang pinakababad sa paggamit ng internet.
Facebook Comments