Artist sketch ng riding in tandem na pumatay kay NDF Consultant Randy Malayao Jr., inilabas na ng PNP

Naglabas na ang Cagayan Valley Regional Police Office ng Artist Sketch ng riding in tandem suspeks na bumaril at pumatay sa NDF consultant na ni Randy Malayao Jr.

Base sa paglalarawan ng mga testigo, ang gunman ay may katamtaman ng pangangatawan, may taas na 5’4 – 5’6, tinatayang nasa edad 25-30, nakasuot ng jacket na kulay gray na may Hood at nakapantalon ng Maong.

Habang ang driver ng motorsiklo ay payat ang pangangatawan, 5’3-5’6 ang taas, 20-25 ang edad at nakasuot ng yellow na t-shirt at kulay brown na shorts.


Nitong Miyerkules ng madaling araw pinatay si Malayao habang siya ay tulog sa loob ng Bus na kaniyang sinakyan nang ito ay huminto sa isang Bus Stop sa Aritao, Nueva Vizcaya

Una na ring iniutos ni PDG Oscar Albayalde ang pagsibak kina Nueva Vizcaya PD PSSUPT Jeremias Alugub at PCI Giovanni Cejes – COP ng Aritao, Nueva Vizcaya PNP, dahil sa umano ay mishandling of evidence.

Facebook Comments