Napag-iiwanan pa rin ang Pilipinas sa aspeto ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng isang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Acting Country Representative Dr. Socorro Escalante, kailangan pang magpursige ng pamahalaan para tutukan ang contact tracing sa bansa.
Aniya, kadalasan kasing hinihintay muna ang resulta ng COVID-19 test sa isang pasyente bago isagawa ang contact tracing na nagtatagal ng hanggang isang linggo.
Sinabi rin ni Escalante na nasa 50,000 contact tracer pa lamang mayroon ang bansa para sa 100-milyong Pilipino na malayo sa kailangang 135,000 contact tracer o katumbas ng isa sa bawat 800 indibiduwal.
Facebook Comments