Pilipinas, napasok na rin ng Omicron variant

Nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron COVID-19 variant.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) matapos na magpositibo ang unang dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.

Ayon sa DOH, na-detect ang dalawang kaso ng Omicron variant mula sa 48 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center kahapon, Dec. 14, 2021.


Ang isang kaso ay mula sa isang Returning Overseas Filipino (ROF) worker galing Japan na lumapag sa bansa noong Disyembre-a uno via Philippine Airlines flight number PR 0427.

Nakolekta ang sample nito noong Dec 5, 2021 habang lumabas ang positibong resulta noong Dec. 7, 2021.

Siya ay kasalukuyang asymptomatic pero nakaranas ng sintomas lagnat at ubo nang dumating sa bansa.

Habang naitala naman ang ikalawang kaso sa biyaherong Nigerian national na pumunta sa Pilipinas noong Nov. 30, 2021 via Oman Air na may flight number WY 843.

Nakuha sa kanya ang sample noong Dec. 6 at siya ay kasalukuyang nasa isolation facility at siya ay asymptomatic.

Bunsod nito, inaalam na ng DOH ang posibleng close contacts sa mga kapwa nila pasahero sa kanilang flights

Apela ng DOH sa mga nakasalamuha ng dalawang nagpositibo na maaaring tumawag sa DOH COVID-19 hotlines sa (02) 8942 6843 o 1555, o sa kani-kanilang LGUs para iulat ang kanilang status.

Facebook Comments