Pilipinas, napili muli na mag-host sa 2033 South East Asian Games

Muling magho-host ang Pilipinas ng ika-37 South East Asian Games o SEA Games sa 2033.

Ito ang kinumpirma ni Philippines Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino, kung saan sinabi nito na inalok ng SEA Games Federation Council ang Pilipinas na mag-host sa 2033 sa kanilang pulong sa Cambodia kahapon.

Kasunod nito, ipapaalam muna ng POC sa SEA Games council sa Malakanyang para sa pag-iisyu ng letter of support.


Ito na ang pang-limang pagkakataon na mag-host ang Pilipinas sa SEA Games, kung saan unang nag-host ang bansa noong 1981, pangalawa noong 1991, sumunod noong 2005 at pang-apat naman noong 2019.

Facebook Comments