Health Usec. Vergeire, nangakong tututukan ang pagbabakuna matapos italaga ni Pangulong BBM bilang OIC ng DOH

158

Nagpasalamat si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos bilang officer-in-charge ng Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, tiniyak ni Vergeire na lalo pa nilang paiigtingin ang pagbabakuna para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Tiniyak din ni Vergeire na pangangalagaan nila ang kapakanan ng health workers na lumalaban sa virus.


Nangako rin siya na patuloy na makikipag-ugnayan sa iba’t ibang sector sa pagsusulong sa universal health care.

Facebook Comments