Pilipinas, nasa ika-20 pwesto na sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19!

Nasa ika-20 pwesto na ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ito ay makaraang sumampa sa 314,079 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa world ranking na inilabas ng John Hopkins University Coronavirus Resource Center, naungusan ng Pilipinas ang Pakistan na nasa 21st spot at mayroong 312,806 cases.


Nasa 19th spot naman ang Italy na may 314,861 cases.

Nangunguna pa rin ang United States sa may pinakamataas na kaso ng sakit na may 7,273,244; sinundan ng India na may 6,312,584 at pangatlo ang Brazil na may 4,810,935 covid-19 cases.

Habang sa ASEAN ranking, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng sakit pero pumapangalawa sa Indonesia sa bilang ng mga aktibong kaso.

Facebook Comments