Inihayag ng Department of Health na nasa “low risk” na ngayon ang Pilipinas sa COVID-19 transmission.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito ay matapos makapagtala ang bansa ng negative 2-week growth rate na nasa negative 74 percent na at bumaba na rin ang average daily attack rate o adar sa 5.26.
Sinabi pa ni Duque na nasa lowk risk classification na rin ngayon ang halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Davao Region, Cordillera Administrative Region, Western Visayas at SOCCSKSARGEN na pawang mga nasa moderate risk.
Mababa na rin aniya ang bed utilization ng bansa na nasa 28.67% habang 18.39% ang mechanical ventilator utilization at 34.12% ang ICU utilization.
Kahapon, umabot lamang sa 2,730 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng DOH habang 7,456 naman ang gumaling pero nadagdagan din ng 164 na pumanaw.