Inihayag ng OCTA Research Group na nasa “very low risk” na sa COVID-19 ang Pilipinas.
Ito ay sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19 sa mga kalapit na bansa kabilang na ang Vietnam, Malaysia, Singapore at Brunei kung saan nakakaranas sila ngayon ng surge.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa 0.47 lamang ang average daily attack rate o ADAR ng buong Pilipinas noong Biyernes at may average na limandaan at dalawampu’t pitong kaso.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) noong nakaraang linggo na nasa low risk na sa COVID-19 ang lahat ng lugar sa bansa.
Samantala, kahapon ay nakapagtala pa ang DOH ng 577 bagong kaso ng Covid habang dalawandaan at apatnapu ang nadagdag sa mga pumanaw.
Facebook Comments