Pilipinas, pang-46 mula sa 53 bansa pagdating sa COVID resilience – Bloomberg

Pasok sa ika-46 na pwesto ang Pilipinas mula sa 53 bansa pagdating sa pag-manage ng COVID-19 crisis.

Batay sa “COVID resilience ranking” ng Bloomberg, sinukat nila ang 53 bansa sa 10 batayan, kabilang ang case rate, mortality rate, healthcare system capacity, lockdown impact, community mobility, growth forecast para sa Gross Domestic Product (GDP), at vaccine supply agreements.

Ang Pilipinas ay nakakuha ng score 48.9, mataas sa mga bansang Colombia, Czech Republic, Belgium, Peru, Argentina, at Mexico.


Malayo rin ang Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia kung saan nasa ikalawang pwesto ang Japan, Taiwan (3rd), South Korea (4th), China (8th), at Hong Kong (12th).

Ang Vietnam ay nasa ika-sampung pwesto, Singapore (11th), Thailand (15th), Indonesia (19th), at Malaysia (29th).

Nakitaan ng kahinaan ang Pilipinas lalo na sa community mobility.

Nangunguna sa listahan ang New Zealand dahil sa mabilis na aksyon laban sa virus.

Facebook Comments