Nasa ika-50 puwesto ang Pilipinas mula sa 155 bansa pagdating sa COVID-19 vaccination efforts.
Nabatid na aabot na sa 854,063 doses ang naiturok mula nitong March 1 sa Pilipinas.
Batay sa reports ng Bloomberg, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nasa 673 million doses ng COVID-19 vaccines ang nagamit sa 155 bansa – kung saan 16 milyon doses ang naituturok kada araw.
Sa Pilipinas, 754,762 healthcare workers na nakatanggap ng kanilang unang dose, 4,104 healthcare workers ang natanggap ang pangalawang dose.
Nasa 11,885 senior citizens na ang nabakunahan at 7,157 persons with comorbidities.
Sa buong mundo, ang Estados Unidos ang nangunguna sa vaccination efforts (167.18 million doses), kasunod ang China (139.97 million), European Union (80.26 million), India (79.10 million), United Kingdom (37.01 million), Brazil (25.35 million), Turkey (17.20 million), Germay (14.38 million), Indonesia (13.09 million), at France (12.49 million).
Sa Southeast Asia, ang Indonesia ang nangunguna, sumunod ang Singapore (1.5 million doses), Myanmar (1.04 million), Pilipinas, Malaysia, Cambodia, Thailand, Vietnam, Laos at Brunei.
Tiwala si Galvez na mareresolba ang isyu sa global vaccine supply shortage sa Hulyo dahil ang mga malalaking bansa ay halos nabakunahan na ang mayorya ng kanilang populasyon.