Pilipinas, pang-61 sa pinakamasayahing bansa sa mundo sa kabila ng pandemya ayon sa pag-aaral

Pasok ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakamasayahing bansa sa mundo sa harap ng COVID-19 pandemic.

Batay sa 2021 World Happiness Report na inilathala ng United Nations Sustainable Development Solutions Network, ang Pilipinas ay nasa ika-61 pwesto mula sa 149 na bansa.

Pero bumagsak ang Pilipinas ng 19 na pwesto mula sa 42nd rank nito mula 2017 hanggang 2019.


Nakakuha ang ating bansa ng life average score na 5.8880.

Ang mga bansa Europe ang nagdomina sa Top 10 rankings kung saan nananatiling pinakamasaying bansa sa loob na ng apat na magkakasunod na taon ang Finland, kasunod ang Denmark na nasa ikalawang pwesto.

Hawak ng Switzerland ang 3rd rank, kasunod ang Netherlands, Sweden, Luxembourg, New Zealand at Austria.

Kulelat sa world happiness rankings ang India (139th), Zimbabwe (148th), at Afghanistan (149th).

Sa Asya, ang Taiwan ang nangunguna na nasa 24th spot, kasunod ang Singapore (32nd), Thailand (54th), Japan (56th), Pilipinas, South Korea (62nd), Hong Kong (77th), Vietnam (79th), Malaysia (81st), Indonesia (82nd), China (84th) at Cambodia (114th).

Facebook Comments