Humanay ang Pilipinas bilang ika-70 sa pinakamalayang ekonomiya o may economic freedom sa buong mundo.
Base sa 2019 Index of Economic Freedom report ng Think Tank, nakakuha ang Pilipinas ng 62.6 points na economic freedom score, mababa kumpara sa 63.8 noong nakaraang taon.
Katumbas ito ng ‘moderately free’ economies.
Bukod dito, nasa ika-15 pwesto ang Pilipinas mula sa 43 bansa sa Asya-Pasipiko.
Nangungunang bansang may pinakamalayang ekonomiya ay ang Hong Kong, Singapore, New Zealand, Switzerland at Australia.
Lumabas sa pag-aaral na ang patuloy na pagtibay ng ekonomiya ng Pilipinas ay bunsod ng mga maambisyosong proyektong pang-imprastraktura.
Sakop ng pag-aaral ang ekonomiya ng nasa 180 bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Ang economic freedom ay isang fundamental right sa bawat tao na may kontrol sa kanyang sariling trabaho at ari-arian.
Sa isang economic free societies, ang mga indibidwal ay malayang magtrabaho, gumawa, kumonsumo at mamuhunan sa anumang gusto nilang paraan.