Pilipinas, pang-8 bansa sa mundo na paboritong pasyalan ng mga dayuhang turista

Taos-pusong nagpapasalamat ang Palasyo sa mga tumatangkilik at nagbabasa ng Conde Nast Traveler.

Ito ay makaraang mapabilang ang Pilipinas sa top 8 most favorite countries in the world.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tunay ngang ‘It’s more fun in the Philippines!’


Kaugnay nito, pinuri din ng Malakañang ang Department of Tourism (DOT) at ang kanilang industry partners at stakeholders para sa kanilang job well done.

Sa pinakahuling datos ng DOT, pumalo sa 5,554,950 visitors ang bumisita sa bansa magmula January hanggang August 2019.

Ang pagkilala sa Pilipinas bilang top 8 most favorite countries in the world ng Conde Nast Traveler Readers’ Choice Awards 2019 ay kasunod ng pagkakasungkit din ng bansa ng 2 major awards sa katatapos lamang na 2019 World Travel Awards na ginanap sa Phu Quoc island sa Vietnam.

Facebook Comments