Mga residenteng nasunugan sa Quiricada, Maynila, irerelocate

Nakatakdang i-relocate ng pamahalaan ang 264 na mga pamilyang naapektuhan nang masunog ang tinatayang 100 mga bahay sa Quiricada St., Sta. Cruz, Manila.

Ang naturang mga pamilya ay pansamantalang nasa covered court sa nasabing lugar.

Patuloy naman na bumubuhos ang ayuda sa mga nasunugang residente mula sa gobyerno at pribadong sektor.


Kabilang sa nagpa-abot na ng tulong sa mga nasunugan sina Senador Bong Go at Chinese-Filipino Business Club.

Magugunitang ang sunog sa nasabing residential area ay umabot ng Task Force Bravo.

Facebook Comments