Pilipinas, pangalawa sa ASEAN sa vaccine rollout

Pumapangalawa na ang Pilipinas sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) pagdating sa COVID-19 vaccine rollout.

Batay sa COVID-19 monitoring trackers ng Bloomberg, nangunguna sa rollout ang Indonesia na may 24.72 million doses, kasunod ang Pilipinas na may 4.09 million doses.

Pangatlo ang Cambodia na nasa 3.67 million doses, Singapore na may 3.41 million doses.


Nasa ikalimang pwesto ang Myanmar na may 2.99 million doses, kasunod ang Thailand (2.81 million doses), Malaysia (2.30 million doses), Vietnam na may (1.03 million), Laos (729,000), at Brunei na may 25,000 doses.

Ang Pilipinas ay pang-13 sa 47 bansa sa Asya, at pang-37 mula sa 196 na bansa sa buong mundo.

Tiwala si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na kapag nasimulan ang pagbabakuna sa economic frontliners (A4) at indigenous population (A5) sa Hunyo ay dodoble pa ang datos at makakapagbakuna pa ng higit apat na milyong tao basta mayroong steady supply ng bakuna.

Facebook Comments