Pamahalaan, tiniyak na prayoridad din ang mga 18-years old pataas sa COVID-19 immunization program

55

Tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na kasama sa magiging prayoridad sa COVID-19 immunization program ang mga indibidwal na 18-anyos pataas.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng paglabas ng datos ng Department of Health kung saan tinatayang mahigit 28,000 o anim na porsyento ng COVID-19 cases sa bansa ay mga nasa edad 16 pababa.


Ayon kay Galvez, kasama sa prayoridad ng pamahalaan ay ang mga 18-anyos pataas.

Pero nilinaw nito na, ang pagbabakuna sa mga 18-anyos pataas ay depende pa rin kung papayagan at kailangang nang consent mula sa kanilang magulang.

Facebook Comments