Pilipinas, papunta na sa direksyong pagluwag ng social distancing protocols ayon sa DOH

Papunta na rin ang Pilipinas sa pagluwag ng COVID-19 protocols nito hinggil sa social distancing.

Ito ang sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasunod ng pag-update ng US Center for Disease Control and Prevention (US CDC) ng kanilang COVID-19 guidelines.

Batay sa pinakahuling US CDC guidelines, inirerekomenda na lamang nila ang pag-iwas sa matataong lugar o di kaya ay dumistansya na lamang sa ibang tao.


Ayon kay Vergeire, nagsisimula na ang DOH na baguhin ang mindset ng publiko na mamumuhay na tayo kasama ang virus.

Ang mahalaga aniya ay ang protektahan ang mga pinaka-vulnerable at mapigilan ang pag-overwhelm ng healthcare system ng bans.

Kasama rin dito ang pagpigil sa pagdami ng severe at critical cases maging ang mga namamatay dahil sa sakit.

Nauna nang sinabi ni Vergeire na nananatili sa low risk sa COVID-19 ang bansa sa kabilang ng bahagyang pagtaas ng kaso ng sakit at pagtaas ng admission sa intensive care units.

Facebook Comments