12, patay sa mass shooting sa Montenegro

122

12 ang patay habang anim ang sugatan sa naganap na mass shooting sa Montenegro.

Kabilang sa nasawi ang dalawang bata at ang gunman.

Sinabi ni State Prosecutor Andrijana Nastic, pagdating nila sa lugar ay mayroong siyam agad ang nasawi habang dalawa ang nasawi sa pagamutan.


Sa inisyal na imbestigasyon, isang lalaki mula sa bayan ng Cetinje ang bigla na lamang namaril sa kaniyang mga kapitbahay.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.

Facebook Comments