Napanatili ng Pilipinas ang pang-50 na pwesto nito sa mga bansang may kapayapaan at kaayusan sa buong mundo.
Ayon sa Gallup, isang Washington-based analytics and advisory firm, kasama ng Pilipinas ang mga bansang Australia, New Zealand, Poland at Serbia.
Nangunguna naman ang Singapore na nakakuha ng gradong 97 sa mga bansang mapayapaan at maayos habang pinakamababa ang Afghanistan na nakakuha ng 43 na grado.
Tinanong ng Gallup ang damdamin ng mga tao sa personal na seguridad at pagtingin ng mga ito sa mga alagad ng batas.
Apat na katanungan ang isinalang sa mga mamamayan gaya ng sumusunod:
1. Sa lungsod o lugar na tinitirhan mo, may kumpiyansa ka ba sa mga pulis?
2. Ramdam mo bang ligtas ka sa paglalakad sa gabi at nag-iisa sa lugar na iyong tinitirhan?
3. Sa nakalipas na 12 buwan, ninakawan ka na ba o miyembro ng pamilya mo ng salapi o pag-aari?
4. Sa nakalipas na 12 buwan, may nanakit o nanakot ba sa iyo?