600 pamilya sa Infanta, Quezon, inilikas dahil sa Bagyong Rolly

45
COURTESY: Municipal Government of Infanta

Inilikas ang may 600 pamilya sa Barangay Dinahican sa bayan ng Infanta, lalawigan ng Quezon.

Ito’y bilang paghahanda na rin sa pananalasa ng Bagyong Rolly na nagbabanta sa gitna at katimugang Luzon kabilang na ang Metro Manila.


Naging pahirapan sa mga awtoridad sa paglilikas dahil marami sa mga residente ang mas pinipili ang kanilang mga ari-arian kaysa sa sariling kaligtasan.

Maliban sa Brgy. Dinahican, binabantayan din ang anim pang barangay para isailalim sa pre-emptive evacuation.

Facebook Comments