Pilipinas, pasok sa semifinals ng ASEAN Football Federation U15 Girls Championship

Nakapasok ang Pilipinas sa semifinals ng Association of Southeast Asia Nations (ASEAN) Football Federation U15 Girls Championship na ginanap sa Thailand.

Ito ay matapos matagumpay na mapabagsak ng Team Pilipinas ang Timor-Leste, 12 – 0.

Unang natalo ang Team Philippines sa kamay ng Vietnam pero bumawi ang mga Pinay laban sa Myanmar.


Nasa top 2 sa Group A, ang Team Pilipinas na may dalawang panalo at isang talo.

Facebook Comments