Muling nangako ang Estados Unidos na sasaklolohan nito ang Pilipinas kung magkakaroon ng armadong pag-atake sa West Philippine Sea.
Sa joint statement ng Eight Bilateral Strategic Dialogue ng Pilipinas at US, tiniyak ng Amerika na sakop ng Mutual Defense Treaty ang pinag-aagawang karagatan at handang tulungan ang Pilipinas kung may armadong pag-atake sa sandatahang lakas ng bansa.
Iginiit ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez – na dapat manaig ang mapayapang paraan para sa pagsasaayos ng gusot.
Sinabi naman ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim – tutulong sila na mapalakas ang depensa ng Pilipinas at pati ang kakayahang labanan ang mga terorista.
Tutulong din ang Amerika sa kampanya kontra ilegal na droga pero dapat ay naaayon ito sa batas at karapatang pantao.