Nanguna ang Pilipinas sa pinaka-stressed sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Ito ay batay sa Analytic Firm Gallup na “the word’s emotional temperature” survey kung saan pumangalawa rin ang bansa sa pinakamagagalitin at pinakamalulungkutin.
Nanguna ang Pilipinas sa pinaka-stressed na bansa kung saan 48% sa mga respondents ang nagsabing stress sila at 52% naman ang hindi.
Pumangalawa naman ang bansa sa pinakamagagalitin kung saan 27% respondent ang nagsabi ng “yes” at 73% naman ang nagsabi ng “no”.
Habang pangalawa rin ang Pilipinas sa pinakamalulungkutin kung saan 35% ang nagsabing malungkot sila at 64% naman ang sumagot ng hindi.
Isinagawa ang nasabing survey na may mga respondents na nasa 15-anyos pataas.
Facebook Comments