Maris Racal, trending matapos lumabas ang kaniyang litrato sa billboard sa New York City

228

Trending ang Facebook post ng singer-actress na si Maris Eacal matapos lumabas ang kaniyang litrato sa billboard ng New York Times Square noong Huwebes, July 21.

Pinost ni Maris ang naturang larawan na may caption na “nahihilo ako, dati lang akong naglalakad sa New York, Cubao, hindi ko naman akalain na aabot ako sa New York Times Square”.

Makikita rin sa post ng aktres ang pagkagalak nito dahil ngayon ay kabilang na siya sa listahan ng mga celebrities na na-featured sa naturang lugar.


Nabatid na layunin ng plataporma ng spotify na i-highlight ang mga kababaihang malaki ang ambag sa mundo ng musika.

Facebook Comments