Ikinalugod ng Pilipinas ang desisyon ng Hong Kong na suspindehin at pag-aralan ang naunang kautusang magkaroon ng mandatory na pagbabakuna sa mga dayuhang manggawa.
Una nang sinabi ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na muling pag-aaralan ng mga concerned authorities ang vaccine requirement sa domestic helpers kasunod ng mga reklamo mula sa ilang sektor.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpapasalamat sila sa ginawang hakbang ng Hong Kong leader.
Maging si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ay nagpapasalamat din kay Lam sa kanyang mabilis at wais na pagtugon.
Facebook Comments