May plano na ang Pilipinas na mag-develop ng sariling COVID-19 vaccine.
Ito ang pahayag ng Malacañang sa harap ng pagdepende ng bansa sa mga vaccine manufacturers abroad.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inirekomenda na ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagtatatag ng Institute of Vaccinology, na kauna-unahan sa bansa.
Pero nilinaw ni Roque na nag-aambag na ang Pilipinas sa worldwide effort na makahanap ng lunas sa COVID-19.
Ang Pilipinas ay nagsasagawa ng clinical trials para sa Lagundi, Tawa-tawa at Virgin Coconut Oil.
Nakilahok din ang bansa sa trials para sa bisa ng convalescent plasma (transfusion ng blood plasma galing sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19).
Facebook Comments