Pilipinas, posibleng matanggal na sa Global Terrorism Index

Pinuri ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang desisyon ng Supreme Court sa Anti-Terrorism Act of 2020 na kanyang ini-akda.

Malinaw para kay Lacson na sa pasya ng Kataas-taasang Hukuman ay nanaig ang kapayapaan laban sa karahasan.

Tiwala si Lacson na ang pasya ng Korte Suprema ang magbibigay ng tsansa sa Pilipinas na matanggal sa listahan ng Global Terrorism Index.


Noong mga nakaraang taon, kasama ang Pilipinas sa Top 10 na kabilang sa Global Terrorism Index kasama ang mga bansa tulad ng Afghanistan, Iraq at Syria.

Dagdag pa ni Lacson, ang desisyong ito ng Korte Suprema ay nagpapakita na Constitutional pa rin ang Anti-Terrorism Act of 2020 bagamat may dalawang section ang dineklarang Unconstitutional.

Sa tingin ni Lacson, nakabuti rin na nakita ng Korte Suprema na independent country tayo, may sariling pananaw at dapat igalang ang sarili nating proseso.

Sabi naman ni Senate President Tito Sotto III na pangunahing author din ng batas, mag-ingat na ngayon ang teroristang grupo.

Facebook Comments