Pilipinas, posibleng may local transmission na ng monkeypox – eksperto

Inihayag ng isang eksperto na posibleng may local transmission na ng monkeypox sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang bansa ng apat na kumpirmadong kaso ng monkeypox, kung saan ang pinakahuling nagpositibo ay mula sa Iloilo.

Ayon kay infectious disease expert, Dr. Rontgene Solante, importante na malaman ng Department of Health (DOH) ang nakasalamuha ng pasyente o magsagawa ng contact tracing sa mga nagpositibo sa monkeypox.


Nabatid kasi na walang travel history ang naturang pasyente kung kaya’t posibleng ikonsidera na ang pagkakaroon ng local transmission.

Sinabi naman ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na inaalam pa ng DOH kung may nakasalamuhang banyaga ang naturang pasyente dahil ang ibang nakasalamuha nito ay hindi nagpakita ng sintomas ng monkeypox.

Facebook Comments