Posibleng nasa huling bahagi na ang Pilipinas sa pagkalat ng mas nakakahawang variant ng COVID-19 na delta variant partikular na sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, nagsisimula nang bumaba ang bilang ng mga bagong kaso sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Bahagya ring bumaba ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) sa 1.1 habang ang growth rate sa rehiyon ay nananatili sa zero.
Parehong pattern din ang nakita ni David sa ilang kalapit na lalawigan tulad ng Cavite, Laguna at Bulacan sa kabila ng pagtaas ng kaso sa Region 2 o Cagayan region.
Sa ngayon, nananatili pa rin ang Alert Level 4 sa NCR na nagsimula noong September 16.
Facebook Comments