Posibleng sa katapusan pa ng 2020 magkaroon ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General at Health Undersecretary Eric Domingo, ilang bakuna na na-develop ng mga bansang gaya ng China, US, London, India at Russia ang nasa Phase 3 clinical trial na.
Aniya, aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong buwan bago matapos ang Phase 3 trial.
Kahapon, matatandaang sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na wala pang kasiguraduhang magiging available locally sa Disyembre ang bakuna sa kabila ng nakikitang development sa Russia.
Ayon naman sa Department of Science and Technology (DOST), posibleng sabay gawin sa Pilipinas at Russia ang Phase 3 trial ng Sputnik V.
Una rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-aatubiling unang maturukan ng bakuna sa harap ng publiko para maiwasan ang satsat ng mga kritiko.
Pero ayon kay Presidential Security Group (PSG) Commander Col. Jesus Durante, payag silang unang maturukan ang Pangulo basta’t aprubado ng FDA ang bakuna.