Posibleng sa second quarter pa ng 2021 magkaroon ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, sakaling magkaroon na ng bakuna, pwedeng makakuha ang Pilipinas ng 20 percent ng total demand nito sa pamamagitan ng COVAX facility na binuo ng World Health Organization (WHO) at iba pang mga grupo.
Aabot aniya ng ₱500 hanggang ₱1,000 ang kada dose ng bakuna na dalawang beses ibibigay sa isang indibidwal.
Pero inaasahang bababa pa ang pesyo nito kapag dumami na ang manufacturers.
Facebook Comments