Pilipinas, pumangalawa sa performer of the year 2018

Pangalawa ngayon ang Pilipinas sa mga bansa nag-perform ng husto sa mga beauty pageant para sa taong 2018.

Nakuha kasi ng Venezuela ang overall ranking points na 647 kaya’t itinanghal sila na performer of the year 2018 ng missosology.

Ilan sa mga nai-ambag ng Venezuela sa beauty pageants ang pagkakapanalo ng kanilang pambato sa miss international, 2nd runner-up sa miss universe, pagkakasama sa top 30 sa miss world, top 8 sa miss earth at top 10 sa miss supranational.


Habang ang pilipinas ay mayroong ranking points na 616 dahil hindi kasi nakapasok sa top 30 ang pambato ng bansa sa miss world 2018.

Kung sa buong asya naman ang pag-uusapan, nangunguna ang Pilipinas bilang best performer na bansa sa beauty pageants.

Facebook Comments