Sexy figure ni Katrina Halili, hinangaan ng kaniyang mga fans

Manila, Philippines – Muling pina-wow ng hot momma na si Katrina Halili ang kaniyang mga fans sa stunning bikini photo nito.

Nabatid kasi na na-achieve na daw ni Katrina ang dati nitong “sexy bod” matapos ang ilang taong pagwo-workout.

Say ni Katrina, nais daw niyang maging inspiration sa ibang mga nanay kung saan kaya din daw ng bawat isa na ma-achieve ang pagiging sexy kahit na ano pa man daw ang edad.


*Samantala*, unang pupuntahan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang bansang Indonesia.
Ito ay bilang bahagi ng kaniyang Miss Universe duties kaya’t ngayon pa lamang daw ay excited na si Cat dahil makikita daw nito si Miss Indonesia Sonia Fergina Citra na naka-roommate nito sa coronation night.

Facebook Comments