Pilipinas, “Republic of endo” pa rin

Nananatiling “Republic of endo,” o bansa ng mga contractual workers ang Pilipinas.

Ayon kay Partido Manggagawa (PM) Chairperson Rene Magtubo – hindi pa rin nilalagdaan ng Pangulo ang anti-endo o security of tenure bill dahil mas pinapaboran nito ang mga employer.

Dagdag pa ni Magtubo – ang posibleng pag-veto niya sa panukala ay isang pagtataksil sa kanyang pangako sa mga manggagawa.


Ang anti-endo bill ay naratipikahan na sa Kamara at Senado noong Mayo, at ipinadala na sa Malacañan para sa pirma ng Pangulo noong June 27.

Sa ilalim ng konstitusyon, anumang panukalang batas na hindi nilagdaaan o na-veto ng Pangulo ay awtomatikong magiging batas sa loob ng 30 araw matapos maipasa ng Kongreso sa Malacañang.

Facebook Comments