Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Sinabi ni DA Senior Undersecretary Leocadio Sebastian, matutugunan nito ang pangangailangan ng mga Pilipino para sa ikatlong quarter ng 2023.
Ayon kay Sebastian, nasa 1.8-million metric tons ng milled rice ang carry-over stock o imbak ng bansa habang may paparating pang 1.8-million metric tons na inangkat mula sa ibang bansa.
Tiwala ang opisyal na magiging masagana ang ani mula sa tinanim na palay para sa planting season nitong Enero hanggang Hunyo.
Facebook Comments