Mga nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Maynila, umabot sa 2,000

Umabot sa 2,000 mga kakababayan nating Muslim ang nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ito ay base sa crowd estimate ng Ermita Station Police.

Ayon sa organizer ng pagdiriwang Sultan Suhali Abangon, naging mapayapa ang pagdiriwang ng Eid’l Adha sa gitna ng pagtitipon ng libo-libong mga kababayan nating muslim, matapos ang tatlong pandemya.


Naging masaya at maganda rin aniya ang kanilang selebrasyon dahil marami pa rin sa kanila ang buhay at sama-samang nagtipon.

Pinasalamatan naman ni Abangon ang mga awtoridad ng lungsod dahil sa pakikiisa at suporta nila sa pagdiriwang.

Facebook Comments