Naniniwala si House Ways and Means Committee Chairperson Joey Salceda na natapos na ng Pilipinas ang yugto ng “stagflation” o mabagal na paglago ng ekonomiya at mataas na unemployment rate.
Dahil dito, igiit ni Salceda na kaya nang makamit ng bansa ang Gross Domestic Product (GDP) growth target ng economic managers na nasa 5% hanggang 6% sa katapusan ng 2021.
Kung walang mangyayari sa pinal na quarter ng 2021, naniniwala pa ito na maaabot ng bansa ang target na annual growth ngayong taon.
Tinukoy din nito ang bumababang kaso ng COVID-19, pinabilis na bakunahan, at ilang adjustments sa mga trabaho at negosyo na indikasyon na handa na ang ekonomiya.
Inaasahang gaganda na ang ekonomiya ng bansa sa 2022 hanggang 2023.
Facebook Comments