PhilHealth, tinaasan pa ang limit sa libreng dialysis session

Tinaasan pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang limit para sa pagbibigay ng libreng dialysis session sa kanilang mga miyembro.

Ito ay matapos mapaulat na ilang healthcare facility ang pinagbabayad na ang kanilang pasyente kung lumampas na sa 90 session.

Dahil dito, mula sa 90 ay magiging 144 na ang covered na dialysis session ng PhilHealth na magtatagal hanggang December 31.


Utos naman ng state insurer sa lahat ng regional offices at healthcare facility nito na kilalanin lahat ng claims kahit lumagpas na sa 90 session ang pasyente.

Sa mga nakabayad naman, pwedeng ihain ang kanilang claim sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth.

Facebook Comments