Pilipinas, target muling maging pinaka-edukado sa Asya —PBBM

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling maibalik ang Pilipinas bilang bansang may pinakamataas na literacy rate sa buong Asya.

Ayon sa pangulo, minsan nang nanguna ang Pilipinas sa literacy rate at kinilala rin bilang mga best English speaker sa rehiyon.

Hangad niyang maibalik ang ganitong antas ng kahusayan ng mga Pilipino sa pagbasa, pagsulat, at paggamit ng wika.

Giit ni Pangulong Marcos, makakamit ito kung mabibigyan ng dekalidad at sapat na edukasyon ang bawat mamamayan.

Kaya naman, malaking bahagi ng kanyang atensyon at ng pamahalaan ang nakatuon ngayon sa pagpapatatag ng sektor ng edukasyon.

Facebook Comments