Inihayag ng isang eksperto na ang bansa ay may access para makakuha ng bakuna laban sa Monkeypox, sakaling kailanganin.
Ayon kay infectious diseases expert Dr. Edsel Salvana, bagama’t wala pang stockpiles ng mga bakuna, mayroon naman tayong contacts sa United States Centers for Disease Control (CDC) at iba pang ahensya kung kakailanganin natin ng tulong sa pag-procure nito.
Aniya, ang kasalukuyang health at safety protocols para sa COVID-19, tulad ng pagsusuot ng face mask ay makakatulong sa paglaban sa Monkeypox.
Pagtitiyak pa ni Salvaña, ang Monkeypox ay hindi nakakahawa gaya ng COVID-19.
Pito hanggang 14 na araw aniya ang incubation period para ng Monkeypox kaya mayroon pang oras para sa contact tracing gayundin ang pagbibigay ng bakuna.
Nauna nang sinabi ng CDC na ang bakuna sa Chickenpox o bulutong ay maaaring gamitin para makatulong na maiwasan ang Monkeypox.