Nangunguna na bilang biggest Rice Importer sa mundo ang Pilipinas ngayong taon.
Sa report ng United States Department of Agriculture-Foreign Cultural Service, “Quadrupled” ang inaangkat na bigas ng bansa, mula sa 800,000 Metric Tons noong 2016 ay pumalo na ito sa higit Tatlong Milyong Metric Tons.
Katumbas ito ng 7% ng total Global Rice Imports.
Pinataob ng bansa ang China pagdating sa pagbili ng bigas sa Global Market na nasa 2.5 Million Metric Tons lamang.
Nitong Marso, ipinatupad ang Rice Tariffication Law kung saan pinababaha ang merkado ng Imported Rice upang mapababa ang presyo nito.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), patuloy ang pag-angat ng Rice Inventory ng bansa.
Nitong Setyembre ay nasa 1.84 Million Metric Tons ang Rice Stock.