Pilipinas, tumabo na higit 140 medalya sa ikalimang araw ng 30th SEA Games

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa ikalimang araw ng kompetisyon ng 30th Southeast Asian Games.

Ito’y matapos tumabo ng kabuoang ng 144 medalya. (65-Gold, 45-Silver, 34-Bronze)

Wala pa ring nakapagtaob kay Margielyn Didal sa skateboarding matapos makamit ang gintong medalya sa Women’s Elite Competition.


Nakuha naman ng Pilipnas ang ikalawang Gintong Medalya sa Skateboarding sa pamamayagpag ni Daniel Ledermann sa Men’s Elite Event.

Ipinakita ni Jermyn Prado ang galing ng mga Pilipino sa Cycling nang makasungkit ng gold medal sa Women’s Road Event Time Trial.

Nakuha nina Samuel German at Princess Arbilon ang Gintong Medalya sa mixed beach laser Relay Event sa modern Pentathlon, habang Silver Medal pa ang nakuha ni German sa Men’s Individual Event.

Unang Gintong Medalya ang dala ni Jylyn Nicanor sa Women’s Fencing Event, habang Bronze naman ang nakuha ni Noelito Jose Jr. sa Men’s Individual Event.

Tumabo rin ang Pilipinas sa Judo, pinangunahan ito ni Kiyomi Watanabe (Women’s 63kg), at Shugen Nakano (Men’s 66kg) na kapwa may Gintong Medalya, habang Bronze Medals ang inunwi nina Khrizze Pabulayan (Women’s 52kg), Rena Furukawa (Women’s 57kg), at Keisei Nakano (Men’s 73kg).

Sa Sambo, Gintong Medalya rin ang inuwi ni Mark Streigl sa Men’s Combat 74kg, at Chino Tancontian (Men’s 83kg), habang sina Patrick Paul Manicad (Men’s 82kg) at Niño Mondejar (Men’s 90kg) ay kapwa sumunggab ng Bronze Medals.

Nanalo naman ng Silver Medal sa Mixed Benchrest Air Rifle Event si Ditto Nestor Dinopol.

Ang Women’s Team ng Pilipinas sa Underwater Hockey ay nakapag-uwi ng Silver Medal sa 6×6 Event.

Umuwi naman ng Bronze Medal ang Pilipinas sa Mixed Team Relay Event sa Duathlon, Bronze Medal rin ang nakuha ng bansa sa Women’s 4×200 Meter Freestyle Relay Swimming.

Bronze Medals din ng Pilipinas sa 9-Ball Doubles.

Pinabagsak ng Gilas Pilpinas Women’s Team ang Indonesia, 63-56

Nagwagi naman sina Roden Ladon at Charly Suarez at pasok na sa Semifinals sa Boxing.

Bigo naman ang pambato ng Pilipinas na makalusot sa Thailand sa Volleyball.

Nabitin din ng puntos ang Women’s National Team kontra Vietnam sa Football.

Facebook Comments